LUMANG BARANGAY HALL SA AGUPALO ESTE LUPAO, PINALITAN NG MULTI-PURPOSE BUILDING NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Nagpasalamat ang mga barangay officials mula sa Barangay Agupalo Este, Lupao, Nueva Ecija, sa kaloob na multi-purpose-building ng ama ng lalawigan, Governor Aurelio “Oyie” M. Umali.

Kwento ni Kapitan Arnel Collado, taong 2023 nang palarin at maupo siyang punong barangay.

Kaagad aniya silang nagpasa ng resolusyon ng buong konseho at nag-request kay Governor Umali, ng isang multi-purpose hall, at hindi naman sila nabigo.

Malaking tulong aniya sa kanilang barangay ang bagong multi-purpose hall, dahil malaking ginhawa ito para sa kanilang mga nanunungkulan at sa kanilang nasasakupan, kumpara sa dati nilang barangay hall, na bukod sa luma na ay maliit pa.

Mas komportable umano sila ngayong maglingkod sa kanilang mga kabarangay dahil maluwang ang bagong gusali ng multi-purpose hall.