Buong galak na ibinahagi ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang malaking tulong na naibigay sa kanila ng 14th month pay at cash gift ngayong Kapaskuhan.
Para kay Charo Tolentino ng PHRMO, napakalaking ginhawa nito para sa nalalapit na binyag at unang kaarawan ng kanyang anak.
Si Carolyn Sison naman ng PGSO ay nagsabing makakabayad na siya ng mga utang at matutugunan ang mahahalagang pangangailangan dahil sa maagang pamasko.
Samantala, masaya rin na ibinahagi ni Rosey Mizie Ramos, mula sa Departamento ng PGSO, na napakalaking bagay para sa kanya at ng kanyang pamilya, na makatanggap ng benepisyo mula sa ating mga pinaglilingkuran. Dahil ngayon, ay masasabi na rin niya na isa na rin siyang ganap na empleyado.
Dahil sa mga natanggap na benepisyo, mas lalo umano silang ginaganahan, nagsisipag, at nagsusumikap sa kanilang trabaho bilang pasasalamat sa suportang ibinibigay sa kanila na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang serbisyo.

