MAG-AMANG LEBRON AT BRONNY JAMES, GUMAWA NG KASAYSAYAN SA NBA HISTORY

Gumawa ng kasaysayan si Lebron James at anak nyang si Bronny James Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game.

Isa itong historic moment sa pagsisimula ng second quarter nang pumasok sa laro ang 22-anyos na rookie para makasama ang kanyang 39-anyos na tatay sa court.

Habang sabay silang naglaro sa loob lamang ng apat na minuto at siyam na segundo ay mayroon na­mang mga hindi makakalimutang sandali.

Bago pa man kunin ng Lakers si Bronny bilang 55th overall pick sa NBA draft noong Hunyo ay nag­pa­ramdam na si King James ng kagustuhang makasabay ang anak sa paglalaro sa NBA.

Para naman kay Lakers coach JJ Redick, natutuwa rin ito na naging bahagi siya bilang coach na paglaruin ng magkasama sina James at Bronny bilang isang basketball fan na rin.

At para naman kay James bilang isang ama ang magkaroon ng mga sandaling makakasama niya ang kanyang anak na si Bronny at makatrabaho ay isang napaka dakilang bagay na maaaring asahan o hilingin ng isang ama.

Tumapos si James na may 19 points mula sa 8-of-12 field goal shooting, habang walang naiskor si Bronny sa 13:25 minuto.

Humakot ang eight-time MVP ng 40 points at 24 rebounds para akayin ang Beermen sa 109-105 pagsibak sa Converge FiberXers sa deciding Game Five ng kanilang quarterfinals series noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinapos ng SMB ang ka­nilang best-of-five duel ng Converge sa 3-2 para la­banan ang Barangay Ginebra sa best-of-seven semifinals showdown na magsisimula mamayang gabi.