MAG-LIVE-IN PARTNER, NAKILALA ANG PANGINOONG DIYOS SA PINUNTAHANG INUMAN

Inimbitahan sa programang Count Your Blessing ni Congresswoman Cherry D. Umali, ang mag-live in partner sina Bro. Jobert Bunag at Lorimae Pada On, kung saan ikinuwento nila ang naranasang masalimuot na buhay sa Samar.

Pero dahil umano sa isang inuman na kanilang dinaluhan ay hindi nila sukat akalain na doon pala mag-uumpisang magbago ang kaniyang pananaw at paniniwala.

Sa loob pala ng bahay na kanilang pinuntahan ay mayroong nagaganap na bible study.  
Gusto na raw sana nilang umalis noon, ngunit hindi sila pinayagan kaya napilitan silang makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos. 

At doon nga, sa di-inaasahang pagkakataon ay doon pala kakatok ang Panginoon.

Ayon kay Sister Mimi, bigla na lamang siyang nakaramdam noon ng pagkauhaw sa salita ng Panginoon. 

Kung si Sister Mimi ay nagsimulang makilala ang Panginoon, si Brother Jobert naman ay nananatiling lulong sa bisyo partikular sa pagdodroga.

Sumalungat pa nga raw siya kay Sister Mimi, pero hindi siya nagpadala rito at hindi sumuko at tumalikod sa Diyos.

Hanggang dumating ang buwan ng Disyembre, taong 2020, nang gisingin ng Panginoon ang maling pag-iisip ni Brother Robert. Yun din aniya ang panahon nang mag-umpisa itong makipag-ugnayan sa Panginoon.  

Sa kasalukuyan ay magkasama at magkasabay na sina Brother Jobert at Sister Mimi sa paglilingkod sa ating Panginoon.