MAGKAPATID NA UMALI, WAGI SA PINAKAMATAAS NA POSISYON SA NUEVA ECIJA
Muling ipinamalas ng pamilya Umali ang kanilang lakas sa politika matapos muling magwagi sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan. Sa 983,315 boto, muling nahalal si Gov. Aurelio “Oyie” Umali ng SIGAW, habang ang kanyang kapatid na si Vice Gov. Lemon Umali ay nanalo rin sa 811,763 boto.
Para sa mga kongresista, sa unang distrito nanalo si Mika Suansing mula sa Lakas party, sa ikalawang distrito si Kokoy Salvador ng PFP, ikatlong distrito si Jay Vergara, at sa ikaapat na distrito si Emeng Pascual ng Lakas.
Sa mga bokal, sa unang probinsyal na distrito, si Baby Palilio kasama sina Rai-rai Villanueva, at Eric Salazar ng SIGAW. Sa ikalawang distrito, ay sina Dindo Dysico ng SIGAW at Jason Abalos ng NUP. Sa ikatlong distrito naman ay sina EJ Joson at Arch PB Garcia ng PFP at sina Dodong Bautista ng LAKAS, Jon-jon Padiernos, at Sweet Cruz ng SIGAW para sa ikaapat na distrito.
Sa Aliaga, nanalo para sa posisyon ng Mayor at Vice Mayor sina Gilbert Moreno at Vice Mayor Au Moreno. Sa Bongabon, naman ay sina Mayor Ricardo Padilla at si Vice Mayor Christian Binuya. Sa Carranglan, nanalo si Mayor Rogelio Abad at si Vice Mayor Eric Manucdoc.
Sa Cabanatuan City naman ay si Mayor Myca Vergara at Vice Mayor Bunso Roque. Sa Gapan City, nagwagi si Mayor Joy Pascual at si Vice Mayor Max Pascual. Sa Gabaldon, nagwagi si Mayor Jobby Emata at si Vice Mayor Victorino Sabino. Sa Rizal, nagwagi si Mayor Trina Andres at si Vice Mayor Lito Andres.
Sa Jaen naman ay sina Mayor Atty. Sylvester Austria at si Vice Mayor Santy Matias. Sa Peñaranda, nanalo si Mayor Joey Ramos at si Vice Mayor Efer Aves. Sa Science City of Muñoz, naman ay si Mayor Armi Alvarez at nanalo ang kanyang ka-tandem na si Vice Mayor Nestor Alvarez.
Sa Palayan City, parehong unopposed sina Mayor Vianne Cuevas at Vice Mayor Romaric Capinpin. Sa Licab, parehong unopposed na pinalitan ni Mayor Willy Domingo si dating Mayor Femy Domingo kasama si Vice Mayor Oliver Villaroman. Sa Quezon, parehong unopposed sina Mayor Dean Joson at Vice Mayor Josie Joson na pinalitan si dating Mayor Boyet Joson. Sa San Antonio, unopposed si Mayor Dra. Gege Salonga habang pinalitan ang dating Mayor na nanalong Vice Mayor na si Arvin Salonga.
Sa Santo Domingo, lumabang unopposed sina Mayor Babyboy De Guzman at pinalitan ang dating Mayor Imee De Guzman habang nanalong Vice Mayor si Jhelyn Domingo. Sa Talugtug ay si Mayor Amang Monta ay kasama si Vice Mayor Jun-Jun Pagaduan at sa Zaragoza, si Mayor Lally Belmonte habang si Vice Mayor Edwin Buendia ay lumabang unopposed.
Sa Cabiao, ang magka-tandem na sina Mayor Kevin Rivera at ang dating Mayor na nanalong Vice Mayor na si RBR Rivera. Sa Cuyapo, si Mayor General Hidalgo ay nanalo at pinalitan ang dating Mayor na si Flor Paguio Esteban na siyang tumakbo at nanalong Vice Mayor. Sa General Mamerto Natividad, nanalo si Mayor Larry Ponce at tinalo ang dating Mayor Anita Arocena at kasamang nanalo si Vice Mayor Samson Caberto. Sa General Tinio, si Mayor Sherry Ann Bolisay ay tinalo ang dating Mayor Isidro Pajarillaga, habang nanalong Vice Mayor si Melvin Pascual.
Sa Guimba, si Mayor Doklito Galapon ay nagwagi at pinalitan ang dating Mayor Jose Dizon at nanalo sa posisyong Vice Mayor si John Carlo Dizon. Sa Laur, si Mayor Benjie Padilla ay nanalo at pinalitan si dating Mayor Christopher “Tupe” Daus kasama si Vice Mayor Alexander “Pogi” Daus.
Sa Llanera, napalitan si dating Mayor Ronnie Roy Pascual ni Mayor Malou Pascual habang si Ronnie Pascual ay tumakbo at nanalong Vice Mayor. Sa Lupao, humalili si Mayor Glenda Romano kay dating Mayor Alex Rommel Romano habang ang dating Mayor naman ay tumakbo at kinilala bilang Vice Mayor Alex Rommel Romano. Sa Nampicuan, pinalitan naman ni Mayor Mario Lacurom si dating Mayor Victor Badar na siyang nanalo at ngayon ay Vice Mayor Victor Badar.
Sa Pantabangan, si Mayor Mona Agdipa ay pumalit kay dating Mayor na ngayon ay kinilalang Vice Mayor Nog Agdipa. Sa San Isidro, ay nanalo si Mayor Dong Lopez at pinalitan si dating Mayor Ante Tinio at kasamang nanalo si Vice Mayor Robinson Francisco. Sa San Jose City, nagwagi si Mayor James Violago at si Vice Mayor Vanj Manugue habang ang dating Mayor Mario “Kokoy” Salvador ay lumaban bilang Congressman.
Sa San Leonardo, si Mayor Niña Nagaño-Joson ay nanalo habang bumaba naman sa pwesto si, ngayon, ay Vice Mayor Elan Nagaño. Sa Santa Rosa, nanalo si Mayor Tupeng Aguilar at pinalitan ang dating Mayor na si Otep Angeles, habang nanalo namang Vice Mayor si Richard Dimacali. Sa Talavera, pumalit si Mayor Aries Gaboy Lim kay dating Mayor ABC JR Santos at kasamang nanalo si Vice Mayor Nerito Santos Jr.

