BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibiduwal na umano’y magkarelasyon ang pinaka huling Anti-illegal Drugs Operation ng Nueva Ecija Police sa pakikipagtulungan sa PDEA Regional Office noong May 12, 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alias AGA, 40-year-old na lalaki, at ang kasabwat nitong bente siete anyos na babae, magkasamang naninirahan sa Barangay Sampaguita, Gen. Tinio kung saan sila dinakip.
Sa report na isinumite kay Police Director Richard V Caballero, sa isinagawang operasyon nabili sa mga suspek ng undercover police ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu.
Nakumpiska rin umano kay AGA ang additional four (4) sachets ng hinihinalang shabu, kaya tumitimbang ng 0.90 grams, at nagkakahalaga ng Php6,120.00 ang total ng lahat ng illegal na droga na nakuha sa kanila ng mga awtoridad.

