BABALA! SENSITIBONG BALITA:
MAGNANAKAW NG MOTOR, ARESTADO SA CABANATUAN CITY
Arestado ang isang 26-year-old na lalaking residente ng Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo at ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Carnapping Act of 2016).
Base sa report ng pulisya, August 16, 2025 nang maghain ng reklamo ang isang kwarentay nueve anyos na babaeng taga Lupao, Nueva Ecija na ninakawan ng Honda Click 125 motorcycle na kulay blue and white, with plate no. C322BK habang nakaparada sa South Star Drug Store sa Barangay Sangitan West, Cabanatuan.
August 25, 2025 nang makatanggap umano ng tawag ang istasyon ng pulisya na namataan ang ninakaw na motorsiklo sa sa Mc Donald’s fast food chain sa nasabi ring barangay at lungsod.
Dahil dito, mabilis na rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar kung saan nahuli ang suspek at narekober mula sa kanya ang sasakyan.

