BABALA!!! SENSITIBONG BALITA:
MAGPAPA-TULFO SANA? ‘AWAY SA LUPA’, ISA SA MGA ANGGULONG TINITINGNAN SA PAGPATAY SA MAG-LIVE IN PARTNER NA SAKAY NG BUS BYAHENG MANILA
Patuloy ang isinasagawang pagtugis ng Nueva Ecija Provincial Police at nananawagan ng tulong sa kung sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa dalawang lalaking salarin sa pamamaril sa dalawang diumano’y mag-live in partner habang sakay ng Victory Liner bus na byaheng Sampaloc, Manila galing ng Isabela noong November 15, 2023.
Kinilala ang mga biktima na sina Gloria Atillano, 60 years old, residente ng Sta. Lucia, Cauayan City, Isabela at Arman Bautista, singkwentay singko anyos ng Koronadal, South Cotabato.
Ayon sa panayam ng Unang Balita ng GMA kay Carranglan Police Chief Rey Ian Agliam, kabilang ang ‘away sa lupa’ nina Gloria at anak nito sa mga anggulong kanilang pinag-aaralan na posibleng sanhi ng pagpatay sa mga biktima.
Lumabas naman sa balita ng 91.5 Brigada News FM Legazpi City base sa inisyal na ulat, magpapa-Tulfo umano sana ang mga biktima nang maganap ang pamamaril sa kanila ng dalawang lalaking kasama nilang pasahero ng bus na nakuhanan ng video footage sa dash cam.
Isinalaysay naman ng mga saksi na bumaba ang mga ito sa Maharlika Highway malapit sa ilog sa bayan ng Carranglan.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa ng TV48 ang tugon ng Carranglan Police.

