BABALA! SENSITIBONG BALITA: PAMAMARIL NAKUHANAN NG VIDEO
Mabilis na tinugis at inaresto ng Nueva Ecija Police ang suspek na nanakot at namaril sa Peñaranda sa loob lamang ng 10 oras matapos ang insedente.
Ang operasyon ay personal na pinangunahan ni PCOL HERYL “DAGUIT” L. BRUNO, Provincial Director ng NEPPO.
Batay sa police report, naganap ang shooting incident bandang alas-10:20 ng umaga noong January 17, 2026 sa Barangay Sinasajan, Peñaranda, Nueva Ecija.
Masuwerteng walang tinamong pinsala ang biktima, na nagawang makuhanan ng video ang insidente gamit ang kanyang cellphone. Pagkatapos ay agad niyang ini-report ang pangyayari sa mga awtoridad bandang alas-2:00 ng hapon.
MAGSASAKA, INARESTO SA LOOB NG 10 ORAS MATAPOS ANG PAMAMARIL NA NAKUHANAN NG VIDEO
Kaya ang suspek na isang 53-anyos na lalaking magsasaka at residente ng Barangay Poblacion I, Peñaranda, ay naaresto bandang alas-10:00 ng gabi na pinangunahan mismo ng Provincial Director, katuwang ang mga tauhan ng Peñaranda Police at 1st PMFC-NEPPO.
Nakumpiska umano mula sa suspek ang isang (1) 9mm caliber pistol, dalawang (2) piraso ng bala, at isang (1) basyo ng bala na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.
Inilagak sa kustodiya ng Peñaranda Municipal Police Station ang naarestong suspek.

