Pinarangalan ng Department of Tourism Region III sa pamumuno ni Dr. Richard Daenos bilang kampeon ang Provincial Tourism office ng Nueva Ecija sa Idinaos na Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) sa Hilltop, Quest Plus Conference Center Clark Pampanga.
1st Runner Up ang Province of Aurora at 2nd Runner Up ang Bataan.

Layunin ng TRES Awards na kilalanin ang makabuluhang kontribusyon at suporta ng mga negosyo at mga stakeholder nito bilang mga kasosyo sa pagsulong ng mga programa, proyekto at aktibidad nito.

Ayon kay Atty. Joma San Pedro, ang award na ito ay katumbas ng Seal of Good Governance.

Indikasyon umano ito na nakikilala na ang turismo sa Nueva Ecija, katunayan ang mahigit sa 2 milyong turista na pumasok dito sa ating lalawigan noong nakaraang taon na isa sa mga dahilan ng parangal.

Malaking bagay ang turismo para sa National Government at private sectors para magtayo ng mga negosyo at makapagbigay ng maraming hanap-buhay gaya ng hotel, resorts, restaurant at mga related na serbisyo.

Malaking tulong din ito sa mga kababayan natin para sa dagdag na economics opportunities, lalo na ang mga informal tourism workers gaya ng mga drivers, nagbebenta ng iba’t ibang produkto at ang ating mga magsasaka na ang nagiging ani ang kinakain ng mga turista.

Kaya malaking pasasalamat ang ipinaabot ng Provincial Tourism Office sa Ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali at vice Governor Doc Anthony Umali sa suporta at inspirasyon na magampanan ang kanilang tungkulin para mapaunlad at makilala ang ganda ng Nueva Ecija.