MAKATINDIG BALAHIBONG PERFORMANCE NG LLANERA NATIONAL HIGH SCHOOL SA DULANSANGAN FESTIVAL 2025, NIREPOST NG BEN&BEN AT MEI TEVES

Muling pinatunayan ng Llanera National High School (LNHS) ang husay at galing ng mga kabataang Llanerano matapos masungkit ang 1st Runner Up sa katatapos lamang na Dulansangan Festival 2025, na may temang โ€œ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง: ๐‹๐ฅ๐š๐ง๐ž๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐‡๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐ข๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐š๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐๐š๐ -๐”๐ง๐ฅ๐š๐!โ€

Sa kanilang makabuluhan at makapigil-hiningang pagtatanghal na ginamitan ng kantang โ€œKapangyarihanโ€ ng Ben&Ben na tampok ang SB19, umani ng papuri ang LNHS hindi lamang mula sa mga manonood kundi maging sa mga orihinal na artist ng awitin.

Sa katunayan, mismong Ben&Ben ay nirepost ang kanilang performance sa opisyal na social media account ng banda bilang pagkilala sa kahusayan ng mga mag-aaral.

Hindi rin nagpahuli si Mei Teves, producer ng kantang โ€œAnino sa Babaโ€, na nagbahagi rin ng video ng LNHS performance at nagpahayag ng kanyang paghanga sa sining at mensaheng ipinakita ng mga kabataan.

Pahayag ni yuan._.verse sa kanyang tiktok, ang tagumpay na ito ay bunga ng โ€œpawis, rehearsal, at sakripisyoโ€ ng bawat kalahok.

Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat kay Maโ€™am Melba Joy Talens, punong-guro ng LNHS, sa mga guro at mag-aaral na nagsilbing puso at kaluluwa ng pagtatanghal.

โ€œ๐ƒ๐ข ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ง๐  ๐ค๐š๐ก๐ข๐ญ ๐š๐ง๐จ ๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐๐š๐ค ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง๐  โ€˜๐ญ๐จ!โ€

Ito ang mga kataga mula sa lyrics ng โ€œKapangyarihanโ€ ang naging inspirasyon ng grupo sa kanilang pagtatanghal na nagbigay-buhay sa kasaysayan at diwa ng kalayaan ng mga Llanerano.

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa kanilang pagtatanghal. Isa sa mga komento ay nagsabing:

โ€œGRABE, What a powerful performance!! Kinilabutan ako malala. Champion ba kayo? Kasi kung hindi, iiyak talaga ako.โ€

Ipinaliwanag din sa komento na ang bandilang Espanya na ginamit sa pagtatanghal ay sumisimbolo sa paggunita sa mga magigiting na ninuno ng Llanera na lumaban sa Himagsikan, isang tradisyon na taon-taong isinasagawa sa kanilang bayan sa pamamagitan ng Dulansangan Festival.

Umabot na sa 1.5 million views, mahigit 200k reactions, higit 16k shares ang performance ng mga estudyante sa tiktok habang sa Facebook naman ni Maam Ramelyn Joy Peralta ay umabot na ito sa 30k views.