BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Tatlong drug suspects ang inaresto at tinatayang Php 54,400 na halaga ng shabu ang nasamsam sa loob ng isang makeshift drug den kasunod ng isang buy-bust operation dakong alas-8:56 ng gabi noong Linggo, Enero 25, 2026, sa Barangay Biabas, Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga inarestong suspek bilang sina:
Makeshift Drug Den, Ni-raid sa Pampanga
Alias ROD, lalaki, 57 taong gulang;
Alias LEX, lalaki, 59 taong gulang;
Alias VER, lalaki, 47 taong gulang.
Sa operasyon, nasamsam ang walong transparent sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang Php 54,400, iba’t ibang drug paraphernalia, at buy-bust money.
Isinagawa ang sting operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Provincial Offices sa Tarlac at Pampanga, kasama ang Mabalacat City Police Office.
Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Photo Courtesy: Pdea Region III





