unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MANGGAGAWANG TUBONG NUEVA ECIJA, NATAGPUANG PATAY SA BYPASS ROAD SA BULACAN

Posted by philpiccio | Mar 12, 2026 | 0

MANGGAGAWANG TUBONG NUEVA ECIJA, NATAGPUANG PATAY SA BYPASS ROAD SA BULACAN

Manggagawang tubong Nueva Ecija ang natagpuang patay sa gilid ng bypass road sa San Ildefonso, Bulacan noong March 9, 2026.

Kinilala ang biktima na si Ramil Segguep, 30-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Casongsong sa Guimba, Nueva Ecija.

Nagtatrabaho siya bilang kargador sa isang pagawaan ng semento sa Sta. Maria, Bulacan.

Natagpuan ang kanyang bangkay bandang alas-7 ng umaga, wala umano siyang suot na pang-itaas at nakashorts lamang nang madiskubre.

Ayon sa asawa ng biktima na si Marylyn Segguep, tumawag ang Bulacan Police Station upang ipaalam ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa.

Ayon kay Marylyn may pitong tama ng bala sa katawan ang biktima, apat sa likod, dalawa sa balikat, at isa sa sintido.

MANGGAGAWANG TUBONG NUEVA ECIJA, NAKILALA SA TATTOO

Bukod dito, may packing tape umano sa bibig ng biktima, may facemask na nakatakip sa kanyang mata nang matagpuan siya.

Batay sa paunang imbestigasyon, huling nakitang buhay ang manggagawa noong gabi ng March 8, 2026.

Ayon sa isang driver sa kanilang pinagtatrabahuhan, nakipag-inuman umano si Segguep sa dalawang lalaki sa barracks.

Matapos ang inuman, naligo umano ang biktima, pagkatapos ay umalis siya ng barracks bitbit ang kanyang bag.

Sinabi umano niya sa katrabaho na uuwi siya nung gabing iyon sa Guimba dahil may susundo sa kanyang nakakotse.

Samantala, sinabi ni Marylyn na huli silang nag-usap alas-5 ng hapon at wala umanong nabanggit na uuwi siya sa Nueva Ecija.

May isa pa aniyang tawag ang kanyang asawa bandang alas-7 ng gabi, gayunpaman, hindi niya ito nasagot.

Kinabukasan, natagpuan na ang bangkay ni Segguep sa Bulacan na nakahandusay sa tabi ng kalsada.

Ayon pa kay Marylyn, sampung taon nang nagtatrabaho si Ramil sa pagawaan ng semento, wala umano itong nababanggit na kaaway o nakaalitan.

Naulila ni Ramil ang kanyang asawa at dalawang anak na may edad na 10 at 8 taong gulang.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen. Inaalam din nila ang mga posibleng responsable sa pagpatay.

Naiuwi na sa kanilang tahanan sa Guimba, Nueva Ecija ang labi ni Segguep noong March 10 at isinagawa ang autopsy.

Dagdag pa rito, hindi pa rin natatagpuan ang cellphone ng biktima. Nakatakda naman siyang ilibing sa March 17.

Sa kabila ng matinding pagdadalamhati, umaapela ng hustisya ang kanyang asawa. Umaasa siyang mabibigyang linaw ang nangyari sa kanyang asawa.

Share:

PreviousZAMBALES, NAIS MAGING SENTRO NG PALARONG PAMBANSA 2027
NextLIBRENG TAWAG PROGRAM, SAGOT NG GOBYERNO SA PANGANGAILANGAN NG OFWS SA MIDDLE EAST

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

HACIENDA TRIALA

HACIENDA TRIALA

December 16, 2024

June 21, 2024

MGA GURO, SINUONG ANG BUMAHANG ILOG PARA MAKAPAGTURO

MGA GURO, SINUONG ANG BUMAHANG ILOG PARA MAKAPAGTURO

August 8, 2024

NOVO ECIJANANG ANAK NG MAGSASAKA, GURO, TOP 1 SA CRIMINOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION

NOVO ECIJANANG ANAK NG MAGSASAKA, GURO, TOP 1 SA CRIMINOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION

August 29, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .