Sa pagbubukas ng 6th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League, nagbabala agad si MPBL founding Chairman Manny Pacquiao na hindi nito hahayaan na mangyari sa sinusuportahan nitong homegrown at grassroots basketball league ang mga hindi magagandang gawain at pagmamanipula sa mga manlalaro at resulta ng propesyonal na liga.
Ayon kay Paquiao hindi niya uurungan ang sisira sa liga pati na sa mga manlalaro sa pamamagitan ng game fixing. Gusto niya lamang umanong magbigay ng trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan pero hindi nila dapat gawin na pagkakitaan at gagawin pa nilang kabuhayan ang naturang Laro
Una nang nagsampa ng kabuuang 47 kaso ang pamunuan ng MPBL matapos na makahanap ng mga ebidensiya hinggil sa pagsasagawa ng game-fixing sa liga.
Nagpahayag din ito na bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang kabuuang 47 coaches at players na nasangkot, basta sabihin lamang sa kanya kung sino ang nagbabayad sa kanila pahayag ni Pacquaio sa pagbubukas ng ika- 6 na season ng MPBL, noong Sabado.
Opisyal na nagbukas ang bagong season ng liga noong Sabado April 6,2024 sa Calasiao Pangasinan na tampok ang laban ng Zamboanga kontra Valenzuela at panghuli sa pagitan ng kapwa bagong sali na Pangasinan at Abra.

