Masayang umaga ang sumalubong sa mga mamamayan ng Cabanatuan City, Zaragoza, Llanera, Talavera, Carranglan, at Rizal dahil nakatanggap na naman sila ng maisasaing na bigas na hindi lamang pang-almusal, kundi pang tanghalian at hapunan na mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali, at Vice Governor Anthony Umali.
Kabilang sa mga nabigyan ng bigas ang mga mamamayan sa Barangay Cabu, Macatbong, Sumacab Norte, Cruz Roja at Sumacab Sur sa Cabanatuan City.
Kasama rin ang Barangay Mayamot at Valeriana sa Zaragoza, Barangay Victoria at A. Bonifacio Sur sa Llanera, Barangay Esguerra at Marcos sa Talavera, Barangay Piut at Putlan sa Carranglan, at Barangay Poblacion West at Portal sa Rizal.
Malaking tulong umano sa mga Novo Ecijano ang sako-sakong bigas mula sa kapitolyo, dahil malaki ang kanilang natitipid sa pang-araw araw na gastusin sa pagkain.
Kaya naman pasasalamat ang mensahe ng mga namumuno sa bawat barangay, na nahahatiran ng ayudang bigas ng Kapitolyo.

