BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Mastermind, Gun Man, Isa Pang Suspek sa Pagpatay sa Guro sa Laur, Kinasuhan Na
Sinampahan ng Criminal Complaint for Murder sa Office of the Provincial Prosecutor ang Mastermind, gun man at isa pang kasabwat sa pamamaril sa trentay nueve -anyos na guro noong Nobyembre 4, 2025, sa Brgy. San Juan, Laur, Nueva Ecija.
Kinilala ang biktimang si Mark Christian Malaca y Nalupa, residente ng Brgy. San Fernando, Laur.
Ayon sa investigation ng pulisya, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang orange Honda Click nang lapitan siya ng dalawang suspek na sakay ng itim na Kawasaki Bajaj motorcycle.
Pinaputukan umano ang biktima nang malapitan, na tumama sa ulo at katawan nito. Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek patungong silangan at pumasok sa secondary road papunta sa mga Barangay Canantong at Sagana.
Agad namang rumesponde at tinugis ng Laur Police ang mga suspek, at SOCO sa crime scene, kung saan narekober ang limang basyo ng bala ng caliber .45 na baril.

