Masungi After Hours, Halloween Adventure sa Dilim!

Kung naghahanap ka ng kakaibang Halloween adventure ngayong Oktubre, may inihanda ang Masungi Georeserve na siguradong magpapasigla sa iyong imahinasyon ang “Masungi After Hours: A Halloween Special.”

Sa adventure na ito, mararanasan ng mga bisita ang paglalakad sa kagubatan sa ilalim ng dilim, gamit lamang ang liwanag ng mga parol, tunog ng kalikasan, at sariling tapang. Sa bawat hakbang, matutuklasan kung paano nagsasanib ang mitolohiyang Pilipino at agham sa misteryosong ganda ng Masungi.

Gaganapin ito mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, na may limang time slots kada gabi, 5 p.m., 6:30 p.m., 8 p.m., 9:30 p.m., at 11 p.m.

May special group rate din: mula sa karaniwang ₱2,000, maaari nang makilahok sa halagang ₱1,800 kada bisita para sa tatlo o higit pang miyembro.

Ang deadline ng registration ay Oktubre 28, at maaaring magparehistro sa bit.ly/MasungiAfterHours2025. Paalala ng Masungi, hindi awtomatikong kumpirmado ang iyong slot; makakatanggap ka ng approval email kapag aprubado na ang iyong schedule.

Para siguradong makasama, kumpletuhin ang impormasyon ng lahat ng kasama sa form, dahil sa kakaibang karanasang ito, ayaw mong mapag-iwanan sa dilim ng kagubatan!