MGA ARTISTA, PERSONALIDAD SA PELIKULANG FILIPINO, NAGPASALAMAT SA SUPORTA NG GOBYERNO
Pinuri ng mga filmmakers ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa pagtulong sa industriya ng pelikula sa ginanap na Konsyerto sa Palasyo: ‘Para sa Pelikulang Pilipino’.
Sa konsiyerto, binigyang kilala ang napakahalagang kontribusyon ng industriya ng pelikula sa sining at kultura ng bansa.
Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Jose Javier Reyes na lubos na pinahahalagahan ng industriya ng pelikula ang pagsisikap nina Pangulong BongBong at Unang Ginang Louise Araneta Marcos na pinangunahan ang ikalimang yugto ng Konsyerto sa Palasyo.
Sinabi naman ng aktres na si Lorna Tolentino na ang suporta ng gobyerno tulad ng konsiyerto ay makabuluhan para sa industriya, lalo na sa panahon na ang eksena ng pelikula sa Pilipinas ay nakararanas ng muling pagkabuhay.
Kaya umaasa siyang magpapatuloy ang mga ganitong programa.
Binigyang-diin naman ng aktres na si Gladys Reyes na ang konsiyerto ay nagpakita ng matibay na pangako ng administrasyong Marcos sa industriya ng pelikula.
Ang aktor na si Enrique Gil ay nagpasalamat naman sa administrasyong Marcos sa pagho-host ng concert.
Ang ‘Konsyerto sa Palasyo: ‘Para sa Pelikulang Pilipino’ ay isinabay sa 50th edition ngayong taon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), na magpapalabas ng sampong pelikula mula December 25, 2024 hanggang January 7, 2025.

