BABALA! SENSITIBONG BALITA:

MGA BARIL, MARIJUANA, NAKUMPISKA SA RAID NG NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE

Nagpatupad ng search warrant ang NEPPO sa Bayan ng Laur na humantong sa pagkakaaresto sa isang indibidwal at pagkakasamsam ng mga kontrabando noong February 11, 2025.

Sa ulat na isinumite kay PCOL FERDINAND D GERMINO, Provincial Director, NEPPO, sinabi nito na dakong alas-4:50 ng hapon nang ihain ng mga tauhan ng Laur Police Station ang Search Warrant sa harap ng mga Barangay Officials na inisyu ng Family Court, Branch 7, Palayan City, laban sa isang isang 37-anyos na magsasaka mula sa Barangay Betania, Laur, Nueva Ecija.

Nakuha umano mula sa suspek ang isang (1) Smith and Wesson caliber .38 revolver na may kargang dalawang (2) bala at dalawang (2) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong prutas na marijuana, na tumitimbang ng sampong gramo na may tinatayang halagang DDB na Php 2,000.00.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).