MGA BATANG ATLETA NA MAY POTENSYAL NA LUMAHOK SA INTERNATIONAL COMPETITION, SUPORTADO NG GOBYERNO
Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte, tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buong suporta ng pamahalaan sa mga batang atletang may potensyal na makasali sa mga internasyonal na kompetisyon tulad ng SEA Games, Asian Games, at Olympics.
Pinuri rin ng pangulo ang sipag, tiyaga, at disiplina ng mga mag-aaral na sabay na ginagawa ang pag-aaral at training.
Aniya, hindi biro ang pinagdadaanan ng isang atleta bago makarating sa mga palarong pambansa.
Hinikayat din niya ang mga atleta na magsaya habang lumalaban at ipagpatuloy ang pagsisikap sa kanilang pangarap, dahil naka-suporta lang ang pamahalaan sa kanilang mga laban.
Ayon sa Department of Education, ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay kinabibilangan ng 9,719 atleta at para-athletes, 2,273 team officials, 2,564 delegation officials, at 1,204 technical at National Technical Working Group members.
Nagsimula ang Palarong Pambansa noong May 24, at nakatakdang magtapos sa May 31, 2025.

