MGA DAHILAN KUNG BAKIT BAWAL ANG MAKE-UP, SA WORK-OUT
Hi mga Mars, it’s me again Star Rodriguez-Picco para sa ating beauty, health at iba pang tips. Maraming gumagamit ng make up to make ourselves more confident, pero alam ba natin ang hindi magandang epekto ng naka make up habang nag eehersisyo.
Bakit nga ba hindi pwedeng mag work out habang may make up, halina’t ating pag-usapan yan sa episode na ito.
Ang kombinasyon ng pawis at make-up ay maaring makasira sa ating mga mukha, maaari tayong magkaroon ng pimple breakout at ito ay pinatunayan ni Dr. Park isang Cosmetic Dermatology.
Mas maganda raw na mag ehersiyo ng walang suot na make up dahil maaari nitong palakihin ang iyong pores, magkatagyawat at mag dry ang mukha dahil sa hindi nakakapag produce ng proper oil level habang nag eehersisyo.
May ibinigay na ibang option si Lipner, isa ring Cosmetic Dermatology na kung magsusuot ng make up habang nag wo-work out, pumili ng mga produktong noncomedogenic. Ngunit pinapayuhan pa rin na iwasan ang paglalagay ng mga ito kung maaari at inaasahan na maghilamos agad pagkatapos mag ehersisyo nang sa gayon ay malinis at makahinga ang pores ng ating mga mukha.
Mayroong inilabas ang A NEW YOU save face practitioner isang derma clinic na mga tips kung paano ligtas na gumamit ng make up habang nasa gym.
Una, Spot Correct
Huwag maglagay ng foundation o concealer sa buong mukha, lagyan lamang ang parte ng mukha na may tagyawat o pimple marks. Nang sa gayon ay makahinga at hindi masyadong ma irritate ang ating mukha.
Pangalawa, use waterproof make ups
Ang paggamit ng mga waterproof na make ups ay isang magandang opsyon kung saan dito makakaiwas na kumalat o direktang mapunta sa ibang bahagi ng mukha ang make ups.
Pangatlo, Use matte products
Hindi maiiwasan na kapag tayo ay pinagpawisan magiging makintab ang ating mukha at magiging oily face. Kung kaya’t pinapayuhan na gumamit ng matte products upang maiwasan ang pagiging oily looks kapag napawisan.
Tandaan na ang bawat payo ay hindi masama kung susundin, wala ring mawawala kung hindi susuway sa mga eksperto. Pisikal man o panloob, maganda ka sa sarili mong paraan.

