MGA EMPLEYADO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, MASAYA ANG PASKO AT BAGONG TAON DAHIL SA MGA BONUS
Masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija dahil sa mga ibinigay at natanggap na mga bonus bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa trabaho.
Paliwanag ni Treasurer Galila, ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang sweldo ng bawat empleyado na nakapag-serbisyo ng hindi bababa sa apat na buwan bago ang cut-off date na October 31. Habang porsyento naman ang ibinibigay na bonus sa mga kawaning hindi pa nakaabot sa apat na buwang paglilingkod.
Lahat aniya ng mahigit 2,000 permanent employees’ ng kapitolyo ay nakatatanggap ng bonus na kabilin-bilinan ni Governor Aurelio Umali katuwang ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Anthony Umali.
Ibinahagi naman ng ilang empleyado kung paano nila ginamit ang natanggap na year-end bonus at cash gift. Ayon kay Alma Vicencio, ginamit niya ito para sa pagpapa-tiles ng kanilang bahay na nasira.
Si Liselle Gacutan naman ay gagamitin ang nakuhang bonus para sa enrollment ng kanyang anak sa darating na semester.
Samantala, ginamit naman ito ni Pablo Musni sa pagbabayad ng bills sa kuryente, tubig, at internet.
Bukod sa year-end bonus and cash gift ay mabibigyan pa ang mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng productivity enhancement incentives ngayong buwan ng Disyembre at inaasahang pagpasok ng bagong taon ay mayroon pang service recognition incentive.

