Simula sa February 1, tuluyan nang gagarahe ang mga lumang tradisyonal na jeep na hindi nakapag consolidate o sumali sa kooperatiba at korporasyon, alinsunod sa PUV Modernization program.
Pinaghahandaan narin ng LTO ang panghuhuli sa mga jeepney na hindi nakasama sa consolidation sa ilalim ng Jeepney Modernization program.
Kaya sa darating na February 1 huhulihin na ang mga colorum na jeep na hindi kasali sa mga kooperatiba at korporasyon.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, may criminal liability na 5 years na pagkakakulong at P3 million na multa ang mga mahuhuli.
Aminado naman ang LTO na posibleng magkulang ang pampublikong sasakyan dahil sa Manila ay may 395 ang ruta na hindi kasama sa consolidation, lalo na at may kabuuang 1,767 ruta sa buong bansa ang walang kooperatiba ng public utility jeepney (PUJ), base sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Hiling naman ng LTO sa LTFRB na magbigay nang special permit para mga unconsolidated na mga ruta. Gayunpaman, sakaling magkaroon ng kakulangan sa pampublikong transportasyon, sinabi ng LTFRB na mag-aalok sila ng libreng sakay sa mga pasahero.
Isa sa mga problema kasi ng mga jeepney drivers at operators na hindi nakapag consolidate ay sobrang mahal ng modern jeepney na umaabot sa P2.6 Milyon. Sabi naman ng office of Transportation Cooperatives na inaalok ng mga manufacturer na pwede paring ipreserba at i-rebuild ang mga lumang jeep basta nasa standard ng PUV modernization.

