Dahil katatapos lamang ng Labor Day ay ating inalam ang iba’t ibang kakaiba at weird na mga trabaho sa mundo na may malalaki ang sweldo.
Nangunguna dyan ang pagiging Chief Sleep Officer o Professional Sleeper o mga taong kinakailangan lamang matulog ng buong araw.
Nito lamang pagpasok ng taon ay nag-alok ng 10,000 pound sterling o may katumbas na aabot sa mahigit Php700, 000 ang Bensons for Beds para sa anim na buwang pagtatrabaho bilang Chief Sleep Officer para sa pag-aaral sa pagkakaroon ng magandang tulog.
Habang sa Finland naman ay naghanap din sila ng professional sleeper para subukin ang kanilang mga hotel rooms kung komportable itong tulugan.
Taong 2021 ay naghanap din ang kompanyang 247 Blinds ng limang registered shift employees para mag-apply bilang Professional sleeper para sa kanilang research na binayaran nila ng nasa mahigit Php36, 000 bawat isa.
Pangalawa ay ang Drying Paint Watcher, isang lalaki sa UK ang kumikita sa pamamagitan ng pagpipintura ng mga cardboard at panunuod na matuyo ito, upang suriin kung gaano ito katagal matuyo at madetermina ang pagbabago ng kulay at texture ng pintura.
Pangatlo, Professional Mourner, isang tradisyon sa South East Asia na ang loud funeral ay maghahatid sa mga namayapa patungo sa kabilang mundo, kaya naman naghahire sila ng mga iiyak ng malakas sa lamay.
Pang-apat, Dog food taster o taga tikim ng dog food products kabilang ang mga buto, tinned meats at biscuits para subukin ang flavor at maipagkumpara ang pagkakaiba ng texture ng mga dog food brands at human food.
At para sa mga mahihilig manuod ng Netflix, Full-time Netflix viewer o panunuod ng lahat ng palabas ng Netflix sa buong araw para ireview ang bawat programa upang matulungan ang mga viewers sa paghahanap ng mga movies na eksakto sa kanilang interest na mapanuod.
Ilan lamang ito sa mga kakaiba at maituturing na weird na trabaho na maaaring pagkakitaan, ikaw naiisip mo na rin bang mag-iba ng career?

