MGA KANDIDATONG SENADOR, BINUBUO NG PARTIDO NG PANGULO, MAKABAYAN BLOC, MGA ARTISTA, AT PAMILYA NG MGA DATIHAN NANG PULITIKO
Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na umabot sa 183 senatorial aspirants ang naghain ng Certificate of Candidacy mula October 1 hanggang 8, 2024 para sa 2025 mideterm elections.
Binubuo ito ng partido ni President Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na sina Senator Imee Marcos, Senator Pia Cayetano, Deputy Speaker and Las Piñas City Rep. Camille Villar, Senator Manny Pacquiao, Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., Senate Majority Leader Francis Tolentino, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, Senator Manuel “Lito” Lapid, former Senate President Vicente Sotto III, former Senator Panfilo Lacson at Makati City Mayor Abby Binay.
Kabilang din sa mga nagpasa ng COC sa COMELEC bilang senador ang bumubuo sa Makabayan Bloc na sina Liza Maza, Jerome Adonis, Jocelyn Andamo, Ronnel Arambulo, Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, Mody Floranda, Teddy Casino, Mimi Doringo, Amirah Lidasan at Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Ilan pa sa mga celebrities na susubok sa pagkasenador ay sina Willie Revillame, Philip Salvador, Jimmy Bondoc, at Doctor Willie Ong.
Tatakbong muli sa nasabing posisyon sina Former Senator Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Gringo Honasan, Senator Bato Dela Rosa at Senator Bong Go habang sina Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Broadcast Journalist Ben Tulfo, Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at iba pa bilang mga indipindiyente ay kabilang sa mahigit 180 na naghain ng COC.
Sa isinagawa umanong screening ng COMELEC, lumalabas na nasa 66 mula sa 183 senatorial aspirants lang umano ang maaaring maisama sa opisyal na balota sa National and Local Election 2025.
Ang naiwang 117 na aspirants ay tila nakitaan umano nila ng ilang problema sa kanilang Certificate of Candidacy (COC), gaya ng over nominating at pagiging nuisance candidate.
Inaasahan umano ng ahensiya na sa darating na Oktubre 23, 2024 ay makakapagsumite na ang Law Department ng kanila umanong rekomendasyon kung sino-sino sa aspirants ang matatanggal at mananatili ang pangalan sa balota, gayundin ang paglalabas ng mga maidedeklarang nuisance candidates.

