BABALA! SENSITIBONG BALITA:

MGA MENOR DE EDAD, NA-RESCUE SA ANTI-HUMAN TRAFFICKING OPERATION SA CABIAO

Matagumpay na nasagip ang limang menor de edad at naaresto ang mga salarin sa isinagawang Anti-Human Trafficking Operation ng mga awtoridad sa Cabiao, Nueva Ecija, noong March 13, 2025.

Base sa report na isinumite kay PCOL Ferdinand Germino, Provincial Director, NEPPO, March 12, 2025, bandang 3:45 ng hapon, personal na dumulog sa Gapan City Police Station ang isang 12-year-old na batang babae mula sa Barangay San Vicente, Gapan City dahil biktima umano siya ng human trafficking.

Kaagad namang naglunsad ng rescue operation ang mga pulis ng Gapan at Cabiao katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Gapan, at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Cabiao.

March 13, 2025, 1:00 ng madaling araw, nang targetin ng mga awtoridad ang apartment na nirerentahan umano ng mga salarin sa Barangay Palasinan, Cabiao, na nagresulta sa pagkaka rescue sa apat pang mga biktima na may edad dose, trese, at disi siete.

Nadakip din doon ang mga suspek na kinilalang sina alias CANDY, 27 years old; alias YAN; alias ASHLEY, 18; at dalawa pang menor na edad na edad labinlima at labing-anim. Habang si alias CLOE, 19, ay nakatakas.

Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na ino-offer ng mga suspek ang mga biktima sa customers online.