MGA MOTORISTA, NAPASUNOD NG MADRE NA NAGMANDO SA DALOY NG TRAPIKO
Umabot na sa 2.7 million views ang inupload na video ni Francis Samonte sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang isang madre na nagmamando ng daloy ng trapiko sa isang kalye sa Vito Cruz,Manila.
Ayon sa caption ni Francis, “subukan mong huwag sumunod, minus one ka sa langit”, na kabilang din sa nagbigay ng aliw sa mga netizen.
Napadaan daw sa naturang kalsada sina Francis at Christle Samonte na naipit sa mabigat na daloy ng trapiko at dito nakita si Sister Tecson na nagmamando ng trapiko malapit sa Scholastica’s College Manila.
Makikitang napasunod naman ng madre ang mga dumadaang mga motorista sa lugar na napahinto sa mga senyas nito.
Ang madre ay nakilalang si Sister Constance Tecson ng St. Scholastica’s Priory, na madalas daw nagsasaayos ng trapiko sa nasabing lugar bilang bahagi ng kanyang ginagampanang tungkulin sa kumbento.
Sa pamamagitan ng pagtulong ni Sister Tecson sa pagiging volunteer “traffic enforcer” tuwing umaga ay maayos at mabilis umanong nakakapasok ang mga mag-aaral ng naturang eskwelahan.
Biro ng isang netizen, “pag may nagbeating the red light minus 1000 sa langit at kapag may nagdisregarding sister minus 2000 sa langit, kaya sundin mo si sister”, habang ang isa naman ay nagbiro ng “mas malakas ang power nyan sa mga enforcer natin. Di mo kaya talunin yung backer nyan”, at komento naman ng isa “the obedience of drivers depend on the integrity of the enforcer”.

