MGA NAKUMPISKANG ILLEGAL NA PAPUTOK, IBINASURA NG NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE
Itinapon na nitong nakaraang Lunes January 6, 2025 ng Nueva Ecija Provincial Police sa pamumuno ni PCOL Ferdinand Germino, ang mga nakumpiskang illegal firecrackers noong selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Base sa report ng kapulisan, nasamsam ang mga ito sa iba’t ibang operations na kanilang isinagawa katuwang ang NEPPO Command Group and Staff, at Nueva Ecija Provincial Fire Office.
Naging mapayapa naman umano sa kabuuan ang nasabing pagdiriwang ng holiday season.
Ilan sa mga naging susing inisyatiba ng kapulisan sa lalawigan sa pakikipagtulungan sa stakeholders, government agencies, NGOs, LGUs, at mga komunidad alinsunod sa gabay ni Police Regional Director Redrico Maranan ang mga sumusunod:
Sorpresang pagbisita sa mga establisyimento at mga lugar kung saan nagbebenta ng mga paputok, pagpapaigting sa pagpapatrol at checkpoints, pag-surrender at pag-aresto ng mga may-ari ng hindi rehistradong armas o baril.

