Mga Tumulong sa Babaeng Nabundol, Nadamay sa Aksidente

Nagmistulang sunod-sunod na trahedya ang naganap sa Taytay Butong, Oton, Iloilo matapos mabundol ng isang motorsiklo ang isang babae sa kalsada.

Mapapanuod sa video na kumakalat online, agad na nagtipon ang ilang residente at motorista upang tulungan ang biktima at nadamay sa aksidente.

Habang isinasagawa ang pagresponde, isang taxi ang biglang dumaan at nasagasaan ang ilan sa mga taong tumutulong, dahilan upang lumala pa ang insidente.

Sa kasalukuyan, hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad kung ilan ang nasawi o nasugatan sa aksidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari at ang pananagutan ng mga sangkot.

Paalala rin sa lahat ng motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga lugar na may nagaganap na aksidente, upang maiwasan ang karagdagang kapahamakan.

https://www.facebook.com/share/r/184hRe9vmu