BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Nagbalik loob umano sa gobyerno ang tatlong rebelde sa pamamagitan ng pagsuko sa kapulisan noong January 15, 2024.

Kinilala ng Police Regional Office 3 si ‘Ka Keno’, dating miyembro ng Sandatahang Yunit Pamproganda na nag-ooperate sa Bataan; si ‘Ka Loi’ na sumurender sa Zambales; at ‘Eliong’ na sumuko sa Tarlac na parehong dating miyembro ng communist terrorist group (CTG).

Base sa ulat ng pulisya, itinurn over ni ‘Ka Keno’ ang kanyang caliber .38 at mga bala ng baril sa Regional Mobile Force Battalion 3 sa Lubao Pampanga. Kapalit nito ay nakatanggap ng pinansiyal na tulong ang dating rebelde.

Habang si ‘Ka Loi’ ay ibinigay ang kanyang improvised shotgun, grenade launcher ammunition, mga subersibong dokumento, at mahahalagang impormasyon para sa anti-local insurgency campaign.

Homemade shotgun at mga materyales sa pampasabog naman umano ang isinuko ni ‘Eliong’.