MILYON-MILYONG LINTA, INAALAGAAN SA CHINA

Sa halip na palay ang sinasaka sa China ay mas gusto nilang alagaan ay ang mga linta.

Alam naman natin na dito sa Pilipinas ay kinatatakutan ang mga linta na kilalang sumisipsip ng dugo.

Pero sa mga magsasaka sa bansang China ay milyon milyong mga linta ang kanilang inalagaan at pinapalaki upang kumita ng mas maraming pera ang mga magsasaka sa isang lokal na komunidad sa lalawigan ng Guangdong Zhouzai.

Nagkakainteres sa mga linta ang mga taga Guangdong dahil ang linta ay naglalaman ng hirudin, isang natural na anticoagulant.

Sinabi ni Du Qiuqing, pinuno ng partido ng komunidad ng Zhouzai, na ang mga linta ay may napakataas na halaga sa gamot at ang pagpapalaki sa mga ito ay makakatulong sa mga magsasaka na makatakas sa kahirapan.

Ang mga linta ay kanilang tinutuhog na parang mga daing at ibinibilad sa araw para matuyo.

Sa Tsina, ang pagsasaka ng linta ay may mahabang kasaysayan at ginagawa pa rin hanggang ngayon bilang isang tradisyunal na anyo ng gamot at bilang pinagmumulan ng kita ng maraming magsasaka.

Ang pagsasaka ng linta ay isang umuusbong na industriya sa China na nakakuha ng malaking atensyon sa mga nakalipas na taon dahil sa mga potensyal na benepisyo nito sa kalusugan at mga oportunidad sa ekonomiya.

Ginamit ang mga linta para sa mga layuning panggamot sa loob ng maraming siglo, at matagal nang kinikilala ng tradisyonal na Chinese medicine (TCM) ang kanilang mga therapeutic benefits.

Maliban sa tradisyonal na gamot ay ginagamit narin itong modern medicine.

Sa mga linta nila ini-extract ang anticoagulant na hirudin na napaka valuable sa medical Field

May mga taong nagpapsipsip talaga ng dugo sa mga linta sa kanilang mukha, ulo, hita na kanilang tinatawag na hirudotheraphyo medical leech theraphy.

Ikaw magpapasipsip ka ba ng dugo sa mga linta?