unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MINING EQUIPMENTS NG WOGGLE CORPORATION SA VIZCAYA, IAALIS NA

Posted by philpiccio | Mar 7, 2026 | 0

MINING EQUIPMENTS NG WOGGLE CORPORATION SA VIZCAYA, IAALIS NA

Pumayag na ang Woggle Corporation na i-pull out ang kanilang mga kagamitan mula sa bayan ng Dupax del Norte, Nueva Viscaya.

Ito ay matapos ang pagtutol ng mga residente sa kanilang exploration activities.

Sa naging hearing ng Senate Committee on Local Government noong March 3, nangako rin ang kumpanya na magsasagawa sila ng rehabilitation sa lugar.

Ayon kay Committee Chairperson Senator Jinggoy Estrada, mahalaga na maalis ang mga mining equipments sa lugar.

Ito’y upang mabawasan ang pangamba ng mga residente na itutuloy pa rin ng kumpanya ang kanilang exploration activities.

Sumang-ayon naman si Woggle President Tommy Alfonso sa hiling ng senador.

Ayon sa kanya, madali lang ang pag-pull out ng gamit.

Matatagalan lang aniya ang rehabilitation o pagtatanim muli ng mga halaman sa apektadong lugar.

Matatandaan na noong February 5, 2026, suspendido na ang permit ng Woggle Corporation sa lugar.

Ayon kay Estrada, ang Mines and Geosciences Bureau na ang magpapasya kung tuluyan nang kakanselahin ang permit ng kumpanya.

Pinayagan naman ang kumpanya na dalhin ang kanilang mga ore samples para sa pag-aaral ng DENR.

Gayunpaman, babantayan ito nang maigi ng mga anti-mining advocates upang masigurong walang ibang ilalabas na yaman mula sa bundok.

Nagpaalala rin si Estrada sa mga lokal na opisyal na agad i-report kapag muling nagpasok ng kagamitan ang kumpanya sa lugar.

Share:

PreviousISYU SA JUDGING: MGA ARTIST, NAGPAHAYAG NG DISMAYA SA CAVRASUC 2026
NextSuporta ng Pamilya, Mahalaga para sa Matagumpay na Mag-aaral

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

CENTRAL LUZON LINK EXPRESSWAY, TULOY NA ANG KONSTRUKSYON

CENTRAL LUZON LINK EXPRESSWAY, TULOY NA ANG KONSTRUKSYON

April 22, 2024

October 16, 2024

PAGPAPALAKAS NG EKONOMIYA NG CENTRAL LUZON, PRAYORIDAD NG MGA GOBERNADOR NG CENTRAL LUZON

PAGPAPALAKAS NG EKONOMIYA NG CENTRAL LUZON, PRAYORIDAD NG MGA GOBERNADOR NG CENTRAL LUZON

December 11, 2025

KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA SA DIPACULAO, AURORA, PALALAKASIN NG P300K LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA DSWD

KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA SA DIPACULAO, AURORA, PALALAKASIN NG P300K LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA DSWD

January 20, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .