MISTER NA NAG-DONATE NG KIDNEY SA KANIYANG ASAWA, BINABAWI ANG KIDNEY MATAPOS ITONG MAKIPAG-DIVORCE SA KANIYA
Dahil sa labis na pagmamahal, mistulang ibibigay mo ang lahat, maging ang kidney mo.
Ganiyan mismo ang nangyari ilang taon na ang nakalipas sa isang lalaki na i-dinonate ang kaniyang sariling kidney para sa kaniyang minamahal na asawa.
Mula sa dalawang beses na failed kidney transplant ng babaeng si Dawnwell, idinonate mismo sa kanya ng asawang si Richard Batista ang kidney nito.
Ayon kay Richard lahat gagawin mo para sa pinakamamahal mong asawa, na magsasama kayo sa hirap at ginhawa.
Ngunit, pagkaraan ng apat na taon, dahil sa kanilang mga hidwaan na umabot umano sa pananakit ni Richard kay Danwell, dahil nagkaroon umano ito ng affair sa ibang lalaki.
Sanhi nito, humantong naman sila sa hiwalayan o nakipag-divorce si Danwell. Umalma naman si Richard dito.
Ikinonsulta niya sa eksperto ang halaga ng kaniyang kidney at agad ding nagpa-interview sa media, dahil sa kawalan ng respeto sa kanya ni Danwell bilang asawa at bilang tatay ng kanilang anak.
Ipinanawagan niya na ibalik umano ng kaniyang dating asawa ang kaniyang kidney kung hindi naman ay magbayad na lang ito ng tumatagingting na $1.5 million dollars o aabot lang naman sa P88 million pesos.

