MISTER, TUMALIKOD SA MGA BISYO NANG MAGLINGKOD SA PANGINOON
Sa programang Count Your Blessing ni former Governor and Congresswoman Cherry D. Umali ikinuwento ng mag-asawang Jhun at Kris Jadoc na may dalawang anak mula sa Basay, Samar ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at kung paano nila natagpuan ang tunay na pag-ibig sa piling ng Panginoon.
Kwento ni Jhun, bago ito maging isang ganap na tagpaglingkod ng Panginoon, ay namamasukan ito bilang isang bodegero ng magkaibang pangalan ng kilalang fastfoods.
Pagkatapos umano ng Bagyong Yolanda ay may mga missionaries na nagtungo sa kanilang lugar upang maghatid ng salita ng Diyos, at doon nila, sa unang pagkakataon, siya nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon.
Naging on and off ang pakikipag-ugnayan ni Jhun sa Diyos dahil pabalik-balik aniya siya sa Maynila dahil sa trabaho nya roon bilang isang time keeper.
Mahalaga ani Jhun ng commitment natin sa Panginoon dahil aniya ay doon tayo lalago.
Kuwento naman ni Kris, na noong wala pang pakikipag-ugnayan si Jhun sa Panginoon ay palagi umano ito sa barkada na nag-iinom ng alak at nagbibisyo ng ipanagbabawal na gamot.
Naging Malaki ang pasasalamat ni Kris dahil simula umano nang magkaroon ng ugnayan si Jhun sa Panginoon ay nagkaroon na rin ito ng oras sa kanilang pamilya, kaya aniya ay wala aniyang matigas na puso sa mainit na panalangin.

