BABALA: SENSITIBONG BALITA!
MIYEMBRO NG ‘PAPA GROUP’ GANG NA SANGKOT SA PAGNANAKAW, MOTORNAPPING, ARESTADO SA SAN JOSE CITY

Naaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng kilalang “PAPA GROUP” gang sa isinagawang search warrant sa San Jose City, Nueva Ecija, kung saan nakuha rin ang mga loose firearms at ilegal na droga.

Ayon kay PCOL Heryl “DAGUIT” L. Bruno, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, bandang alas nueve bente ng umaga noong July 4, 2025, nang isagawa ng San Jose City Police Station at PIU-NEPPO (Provincial Intelligence Unit) ang operasyon laban sa suspek na isang bente singko-anyos na lalaki at residente ng Barangay Abar 1st, San Jose City.

Nakuha umano sa kustodiya ng suspek ang isang homemade caliber .38 revolver na may dalawang bala, at dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.14 na gramo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).

Paliwanag ng NEPPO, ang “PAPA GROUP” ay kilala sa pagkakasangkot sa mga insidente ng robbery at motorcycle theft (motornapping) sa San Jose City at mga kalapit na bayan sa loob ng Nueva Ecija.