BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nagresulta sa pagkakaaresto ng isang singkwentay uno anyos na tulak umano ng droga at miyembro ng Sputnik Gang ang isinagawang anti-drug operation ng mga awtoridad sa San Fernando, Pampanga.
Base sa report ng Police Regional Office 3, March 2, 2024 nang ilunsad ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) -Pampanga PPO, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at San Fernando City Police Station.
Tinatayang umabot sa 60 grams ang pinagsususpetsahang shabu na nakuha umano mula sa suspek na nagkakahalaga ng Php 408,000.00.

