unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Molecular Laboratory sa San Jose City, inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre

Posted by philpiccio | Aug 3, 2022 | 0

Molecular Laboratory sa San Jose City, inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre

Matapos ang isinagawang groundbreaking ng lupang pinagtatayuan ng Molecular Laboratory na nasa compound ng San Jose City General Hospital noong June 21, 2022 ay inaasahang mapakikinabangan na ito sa loob ng limampong araw o kulang tatlong buwan.

Ayon kay Dra. Josefina Garcia, Chief Officer ng Provincial Health Office, isa sa pinangarap ni Governor Aurelio Umali para sa lalawigan ng Nueva Ecija ang magkaroon ng Molecular Laboratory kaya naman sa pamamagitan ng Department of Health na nagbigay ng Php18 million ay kasalukuyan na itong itinatayo sa naturang lungsod.

Ang Php10 million sa pondong ito ay inilaan sa konstruksyon ng gusali habang ang Php8 million naman ay para sa mga equipment at bilang counterpart ng pamahalaang panlalawigan ay naglaan din ito ng pondong aabot sa Php6-7 million na karagdagang panggastos para sa mga equipment ng laboratoryo.

Sinabi ni Dra. Garcia na isa sa kinaharap na suliranin ng probinsya noong magsimula ang COVID-19 ay ang mapagdadalhan ng mga specimen ng mga may sintomas ng naturang sakit na ipinadadala pa noon sa Pampanga at Tarlac City.

Aniya, inanunsyo na ng DOH noong June 24, 2022 na ang COVID-19 ay hindi na pandemic kundi endemic na, nangangahulugan na ang naturang sakit ay palagi ng nariyan.

Ang pagtatayo ng laboratoryong ito ay isang paraan na rin aniya ng lalawigan upang maging handa at agad na masuri ang mga taong mayroong sintomas ng sakit at hindi na makapanghawa pa ng kanyang mga kapamilya.

Nais din daw Governor Oyie na makapagpatayo ng Diagnostic Laboratory sa San Jose City at hinihintay pa ang pondong ini-request nila sa DOH para sa pagsasakatuparan nito kung saan handa pa rin ang provincial government na maglaan din ng dagdag na pondo bilang counterpart dito.

Share:

Previous23 kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2022, opisyal nang ipinakilala; Premyo, mas pinalaki!
Next7th Infantry Kaugnay Division, nagdiwang ng 34th Founding Anniversary

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Employees’ Day ng pamahalaang panlalawigan, umulan ng papremyo!

Employees’ Day ng pamahalaang panlalawigan, umulan ng papremyo!

September 24, 2019

KITA NG ISANG GINANG MULA SA MUSHROOM PROJECT NG KAPITOLYO, IPINUHUNAN SA SARI-SARI STORE

KITA NG ISANG GINANG MULA SA MUSHROOM PROJECT NG KAPITOLYO, IPINUHUNAN SA SARI-SARI STORE

April 18, 2023

NE-TV48 News Update 03/27/2017

NE-TV48 News Update 03/27/2017

March 27, 2017

Joint Tactical Inspection ng SM Cabanatuan at Mega Center the Mall Dinaluhan ni PNP Provincial Director PSSUPT, Manuel Cornel

Joint Tactical Inspection ng SM Cabanatuan at Mega Center the Mall Dinaluhan ni PNP Provincial Director PSSUPT, Manuel Cornel

August 11, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .