BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nagresulta sa pagkakaaresto ng ng isang Most Wanted Person ang isinagawang manhunt operation ng Nueva Ecija Provincial Police noong February 27, 2024.
Kinilala ni NEPPO Director Richard Caballero ang suspek na isang 42-year-old na babae, at residente ng Barangay Bayanihan, Gapan City na kabilang sa Most Wanted Persons ng lungsod.
Base sa report ng kapulisan, 4:45 ng hapon nang ihain ng mga elemento ng Gapan Police sa suspek ang Warrants of Arrest para sa 11 counts ng Falsification of Commercial Documents, na may total recommended bail na Php396,000.00.
Ang akusado ay nasa kustodiya umano ngayon ng Gapan City Police Station.

