BABALA! SENSITIBONG BALITA:

MOST WANTED PARA SA KASONG RAPE SA GABALDON, ARESTADO!

Nagresulta sa pagkakaaresto ng Most Wanted Person para sa kasong rape sa bayan ng Gabaldon ang isinagawang Manhunt Charlie Operation ng kapulisan noong September 16, 2024.

Ayon kay PCOL FERDINAND D GERMINO, Officer-in-Charge ng NEPPO, dinakip ang suspek na isang 29-year-old na lalaki na residente ng Barangay Pinamalisan, Gabaldon sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang kaso.

Walang inirekomendang piyansa para sa Statutory Rape, habang sa Violation of RA 7610 naman ay may piyansang Php200,000.00