SENSITIBONG BALITA

MOST WANTED SA NAMPICUAN PARA SA KASONG PAGPATAY, NAPASAKAMAY NG KAPULISAN

Nadakip sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng kapulisan ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Nampicuan noong August 9, 2023.

Kinilala ang suspek na si RAMIREZ, HERMIE y Antalan alias “Meing”, 33 years old, lalaki, single, farmer, at residente ng Barangay Mayantoc ng nasabing bayan.

Base sa report ng Nueva Ecija Police, inaresto ang suspek sa mismong bahay nito sa bisa ng Warrant of Arrest for Murder, na inisyu noong August 7, 2023 ng Presiding Judge of Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 32, Guimba, Nueva Ecija na walang inirekomendang pyansa.

Nasa kustodiya ngayon ng Nampicuan Police ang suspek.