BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nagresulta sa pagkakaaresto ng isang motornapper ang isinagawang anti-criminality operation ng Nueva Ecija Police Provincial Office noong April 24, 2024.
Kinilala ang suspek na isang 23-year-old na lalaki, at residente ng San Carlos City, Pangasinan.
Base sa report ng pulisya, itinakbo ng suspek ang black Honda XRM motorcycle na pag-aari ng isang kwarentay singko anyos na biktima.
Nahuli umano ito sa follow-up operation ng pinagsanib-pwersa ng Llanera and San Jose City Police Stations.

