BABALA! SENSITIBONG BALITA:
MOTORNAPPER, PATAY MATAPOS TUGISIN AT MAKIPAG-BARILAN SA MGA PULIS SA CABANATUAN CITY
Patay ang isang suspek sa motornapping sa naganap na engkwentro nang tugisin ito ng mga awtoridad sa Cabanatuan City.
Base sa report na isinumite kay PCOL Ferdinand Germino, Nueva Ecija Police Provincial Office, 5:40 ng madaling araw noong December 14, 2024 nang habulin ng mga pulis sa Cabanatuan sa Barangay Sumacab Este ang tumakas na suspek sakay ng pulang motorsiklo.
Nawalan umano ng control sa pagmamaneho ang suspek kaya bumagsak ito sa kalsada ngunit mabilis nitong binunot ang baril at pinaputukan ang paparating na mga pulis kaya gumanti ang mga ito na nagresulta sa barilan.
Tinamaan at malubhang nasugatan ang suspek na naging sanhi ng agad nitong kamatayan.

