BABALA!! SENSITIBONG BALITA:

‘MOTORNAPPER’, TIMBOG SA GAPAN CITY

Nahaharap sa kasong Violation of RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) ang isang lalaking inaresto ng kapulisan dahil sa pagnanakaw umano ng tricycle sa Gapan City.

Base sa report ng pulisya, alas siete ng gabi noong November 11, 2023 nang karnapin ng suspek ang Kawasaki motorcycle with sidecar na naka-parke sa harap ng bahay ng may-ari nito na isang singkwenta anyos na tricycle driver sa Barangay Mangino, ng nasabing lungsod.

Matapos matanggap ang reklamo ng biktima ay kaagad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkadakip ng suspek at pag-rekober sa motorsiklo sa Brgy. Sto Cristo Norte, Gapan City.