MRI NG SAN JOSE CITY GENERAL HOSPITAL, NAGAGAMIT NA NG MGA NOVO ECIJANO

Matapos na maaprubahan ng Food and Drug Administration o FDA at lisensiya na manggagaling sa Department of Health ay tuluyan nakapag-operate ang MRI sa San Jose City General Hospital.

Labis na ikinatuwa ng pamunuan ng San Jose City General Hospital ang buong suporta ng pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali na magkaroon ng MRI o Magnetic Resonance Imaging upang lubos nilang maasikaso ang mga mahihirap na may matinding karamdaman.

Para kay Navallo, bilang doctor ay mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na kagamitan tulad nito upang epektibong magamot at matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga pasyente.

Ang MRI ay isang uri ng diagnostic na proseso kung saan kinukuhanan ng larawan ang katawan gamit ang radio waves. Ang protons, na matatagpuan sa tubig at makikita rin sa katawan, ay naglalabas ng reaksyon sa magnetic field na nilalabas ng MRI. Natatanggap ng kompyuter ang mga impormasyong ito upang lumikha ng malinaw at napakadetalyadong larawan ng organ.

Sinusuri din nito kung may tumor, injuries, at mga sakit na makikita sa mga malalambot na tissue ng organs tulad ng utak, puso, at digestive system. Pag-diagnose ng mga kondisyon sa reproductive organ tulad ng prostate gland. na nagbibigay din ito ng mas maraming impormasyong may kaugnayan sa buto

Kaya naman napakagandang balita na nagkaroon na ng kauna-unahang MRI (magnetic resonance imaging) ang San Jose City General Hospital na lubos na makakatulong nang malaki upang ganap na matukoy ang kalusugan ng mga pasyente nito at magamot.

Malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap na pasyente, na hindi kayang magbayad nang mahal upang ma-eksamin sa MRI. Umaabot mula 8 libo hanggang 10 libo o di kaya mula 14 to 17 libo sa mga private hospital sa Cabanatuan.

Kung sakaling walang kakayahang umanong magbayad ang isang pasyente ay maaari namang i-evaluate ng Social Worker at ilapit sa Malasakit Program para makuha ng libre ang nasabing procedure.

Pinili ni Governor Aurelio “Oyie” Umali na mailagay ang nasabing kagamitan sa San Jose City General Hospital para hindi na kailangan pang pumunta ng Cabanatuan para magpaeksamin, Makikinabang ditto ang mga karatig Bayan partikular na sa ikalawang distrito na kinabibilangan ng, Science City of Muñoz, Lupao, Pantabangan, Rizal, Llanera, Carranglan at Talugtug.Maging ang katabing lalawigan ng Pangasinan at Nueva Vizcaya ay welcome na magamit ang naturang MRI

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Bernaditha Cabanila ng Sto. Domingo Nueva Ecija na isa siya sa mga natulungan ng kapitolyo na ma eksamin sa pamamagitan ng MRI