MULTI-PURPOSE BUILDING, BAGONG BARANGAY HALL, HANDOG NG KAPITOLYO SA SOCIAL BONGABON NUEVA ECIJA

Malaking pasasalamat ang ipinaaabot ng mga taga Barangay Social Bongabon, Nueva Ecija sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali sa ipinagkaloob sa kanilang bagong Barangay Hall at magandang multi-purpose building.

Ayon kay Kapitan Jomar Dandan, malaking bagay ang magkaroon ng multi-purpose hall ang kaniyang mga kabarangay lalo na sa mga senior citizen para sa kanilang mga activity.

Nakita umano ni kapitan Jomar na nahihirapang umakyat ang mga matatanda sa ikalawang palapag para sa kanilang monthly meeting kaya naisip nitong gumawa ng resolution para magkaroon sila nito.

Dagdag pa ng punong barangay, sipag sa paggawa ng resolution para sa pangangailang ng barangay ang susi kaya naipagkaloob sa kanila ng pamahalaang panlalawigan ang kahilingan.

Sa ngayon ay gamit na gamit ang kanilang bagong multipurpose hall lalo na sa ibat ibang activity, dahil maliban sa mga senior citizen at secretary ng barangay ay ginagamit na rin ito ng sangguniang barangay sa kanilang regular session at maging sa selebrasyon ng may birthday, Christmas party at pwede ring maging evacuation center sa tuwing may kalamidad lalo na sa may mabababang lugar na binabaha ang mga kabahayan.

Ang pagpapagawa ng multipurpose building na mayroong office spaces, kitchen, comfort rooms at maluwang na reception area ay isa lamang sa mga proyektong pang-imprastraktura nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Doc Anthony Umali na patuloy na ibinababa sa mga barangay ng Nueva Ecija.