Ibinalita ni President Ferdinand “Bongbong” na may nahanap nang solusyon ang gobyerno kung paano mapababa ang presyo ng bigas sa pamilihan at hindi mamonopolya ng mga tusong negosyante.
Sinabi ng pangulo na nakaisip ang Congress bilateral committee ng mga hakbang para tugunan ang presyo ng bigas.
Ayon kay Marcos, nakahanap na solusyon ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para payagan ang gobyerno na mag-angkat ng bigas at sa huli ay makakabawas sa presyo ng bigas.
Gayunpaman, hindi masabi ng Pangulo kung anong ahensiya ang mangangasiwa o hahawak sa importasyon para magamit na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Samantala, ipinahayag ng pangulo na maganda ang takbo ng isinusulong na pag-amiyenda sa rice Tariffication Law subalit ayaw aniyang panguhan ang bicameral committee.

