BABALA! SENSITIBONG BALITA:
NAGKAINITAN SA KALSADA SA BAYAN NG RIZAL, NAUWI SA PAMAMARIL
Naaresto ng Rizal Police ang suspek sa isang shooting incident noong September 21, 2024 matapos umanong humingi ng saklolo ang kaanak ng biktima bandang alas otso bente singko ng gabi.
Base sa report ng pulisya, nakuha sa suspek ang isang (1) Glock 23, Austria, Caliber 40 na itim na baril na may Serial Number FAD 738, at walang magazine.
Road rage o nagkainitan umano sa kalsada ang sanhi ng engkwentro sa pagitan ng suspek na nakasakay sa kolong- kolong at biktima na nagmamaneho naman ng single na motorsiklo.

