Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ng Historical Lecture bilang bahagi ng paggunita sa Founding Anniversary ng lalawigan.
Pinangunahan ang aktibidad nina Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office.
Layunin ng lektura na ipabatid sa publiko ang opisyal na petsa ng pagkakatatag ng Nueva Ecija batay sa mga dokumentong historikal.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, historyador, cultural workers, opisyal ng pamahalaan, at stakeholders.
Ipinaliwanag na pormal na naitatag ang lalawigan noong Abril 25, 1801 sa bisa ng Superior Decree ng noo’y Gobernador-Heneral Rafael María de Aguilar.
Nilinaw na ang mga pangyayari noong 1701 ay may kinalaman lamang sa territorial reorganization at hindi sa pagkakatatag ng lalawigan.
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, NAGSAGAWA NG HISTORICAL LECTURE SA ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG LALAWIGAN
Ang paglilinaw ay bunga ng masusing pananaliksik na isinagawa katuwang ang National Historical Commission of the Philippines.
Kasama rin sa pananaliksik ang National Archives of the Philippines at National Library of the Philippines.
Inilahad ni Provincial Administrator Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro ang opisyal na resulta ng pag-aaral.
Nagbigay rin ng lecture si Joe Lawrence Mina ng Central Luzon State University hinggil sa pag-unlad ng lalawigan.
Noong Oktubre 24, 2025, naglabas ng opisyal na liham ang NHCP na nagpapatunay sa Abril 25, 1801 bilang founding date.
Nauna na ring inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang naturang petsa bilang opisyal na founding anniversary.
Ipinaliwanag din ang kaibahan ng “Unang Sigaw ng Nueva Ecija” at ng founding anniversary bilang kapanganakan ng lalawigan.
Inaasahang unang beses na ipagdiriwang ang Founding Anniversary ng Nueva Ecija sa 2026 kasabay ng ika-225 anibersaryo nito.

