BABALA: SENSITIBONG BALITA!

NAGTAGONG MIYEMBRO NG MARTINEZ CRIMINAL GROUP, SANGKOT SA ROBBERY-HOLDUP SA CENTRAL LUZON, TIMBOG

Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga most wanted person sa Cabanatuan City na miyembro umano ng Martinez Criminal group na sangkot sa robbery-holdup operations dito sa Nueva Ecija at Central Luzon.

Kinilala ang suspek na isang trentay uno anyos na lalaki, at residente ng Barangay Pagas ng nasabing lungsod.

Base sa report ng kapulisan, 11:55 ng gabi noong October 12, 2024 nasakote ang suspek sa hideout nito sa Barangay H. Conception, Cabanatuan sa tulong ng isang informant makaraan ang pitong buwang pagtatago sa bisa ng arrest warrant para sa robbery na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 70, Iba, Zambales, noong May 2, 2023 na may inirekomendang piyansang PhP100,000.00.

Nakumpiska mula sa suspek ang cal .38 handgun na kargado ng tatlong bala kaya sinampahan siya ng karagdagang kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Matatandaan na March 21, 2023 nang mahuli rin ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng naturang criminal group nang magsagawa ng Anti-illegal Drug Buy-bust Operation sa Barangay Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija.