unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Nahuling holdaper ng P8-M halaga ng cash, alahas sa Cabanatuan City, kinasuhan na

Posted by philpiccio | Aug 3, 2022 | 0

Nahuling holdaper ng P8-M halaga ng cash, alahas sa Cabanatuan City, kinasuhan na

Sinampahan na ng kaso ang isa sa dalawang mga suspek sa panghoholdap ng tatlong biktima sa Alonzo Dermatology Clinic sa JRS Building sa Barangay H. Concepcion, Cabanatuan City noong July 30, 2022.

Kinilala ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Cabanatuan City Police na si RAYMOND YABILLO y Lejano, 30 years old, tricycle driver, residente ng Barangay Malacanang, Sta. Rosa Nueva Ecija.

Base sa ulat ng Cabanatuan Police, bandang alas singko trenta ng hapon noong July 31, 2022 naaresto sa isinagawang follow-up operation ng pinagsanib-pwersa ng Cabanatuan and Sto. Domingo Police Stations, Police Intervention Unit, at Nueva Provincial Police operatives ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay sa Brgy. Sta. Rita, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Napag-alaman sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay PMAJ Abraham Atencio, Officer in Charge ng Sto. Domingo Police Station na isang buwan nang nakatira sa barangay Sta. Rita ang suspek sa tahanan ng kamag-anak ng asawa nito dahil may iniiwasan raw ito.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang umaabot sa halagang mahigit walong milyong piso ang nakuhang cash na pera at mga alahas mula sa tatlong biktima.

Share:

Previous7th Infantry Kaugnay Division, nagdiwang ng 34th Founding Anniversary
NextMga pamilyang nakatakdang tanggalin sa listahan ng 4Ps, pinagtataguan ang DSWD

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PRESYO NG SIBUYAS, BUMABA NG P80.00 SA SANGITAN MARKET, CABANATUAN CITY

PRESYO NG SIBUYAS, BUMABA NG P80.00 SA SANGITAN MARKET, CABANATUAN CITY

February 21, 2025

20 adik, sumuko sa Sta Rosa Police Station

20 adik, sumuko sa Sta Rosa Police Station

July 11, 2016

Mga nanalong kandidato sa Nueva Ecija, iprinoklama na ng COMELEC

Mga nanalong kandidato sa Nueva Ecija, iprinoklama na ng COMELEC

May 15, 2019

Mga empleyado ng Cabanatuan City Hall, walang matatanggap na dagdag suweldo base sa AIP at budget ng 2018

Mga empleyado ng Cabanatuan City Hall, walang matatanggap na dagdag suweldo base sa AIP at budget ng 2018

November 14, 2017

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .